by Natalia Adrianna » Thu Dec 02, 2021 1:32 pm
WHAT WILL I DO IF PRRD SUPPORTS ISKO?
There are times in our life when you stand up for your core beliefs and not because it is popular. I started supporting PRD at a tims when he was not yet leading in the surveys. In short, hindi ako nagpadala sa uso. Isa ako sa nagpauso. Kaya when he became President, pinaniwalaan ko ang pinaglalaban niya at hindi dahil sikat siya. So maraming beses din akong hindi nakinig sa sinabi niya. Ito ang mga instances:
1. Yung ayaw niya impeach namin si Leni nung 2017
2. May mga inappoint siyang Secretary na di ko gusto.
3. Yung pag-allow niya na ang mga kabit ng mga kaibigan niya ang nabibigyan ng pabor
4. Yung endorsement niya kay APC as VP, appointment as DFA Sec.
5. Yung galawan sa PDP
6. Yung hindi niya agad niresbakan si Leni kasi parang umaasa siya na makatrabaho niya,
7. Yung pagpili niya na mauna maging Speaker si APC.
8. Tsaka yung fact na may mga tao na hindi napaparusahan agad kahit andami namang pinarusahan dahil nakipag-usap lang sa kapatid niya. Naalala mo yung tinanggal niya dahil binatikos si Leni.
So, marami pong ginawa si PRD na hindi ko sinuportahan. Nung 2019, sa HNP ako mas naniwala at hindi sa PDP. Hindi yan dahil ayaw ko kay PRD. Hindi lang ako naniniwala na hindi siya pwedeng magkamali. Magaling siyang Presidente at mataas ang respeto ko sa kanya.
But, kaya nga naimbento ang "with all due respect" because you can respect someone but disagree with him on several issues.
So kung iendorse niya si Isko, anong gagawin ko?
Papasok ako sa banyo at magpalabas ng pinakamalutong na mura, tapos maliligo ako at magbate para di ako atakihin sa puso.
Pagkatapos niyan, hindi ko pa rin susundin ang sasabihin niya. Bakit kamo?
1. Hindi lahat ng gusto ni PRRD ay tama. Lahat tayo kahit pa si PRRD nagkakamali din sa pagkilatis sa tao. Pati nga si Hesus, kinaibigan si Hudas.
2. Pangalawa, kung hindi siya nagalit sa sinabi ni Isko, dapat iendorse din niya si Leila, Trillanes at Leni pati si Chel at Hilbay. Isama na din niya sa line up si Agot at Jover. Kasi mag masahol ang panlalait ni Isko kasi mas masakit pag ang alipores mo ang titira sa yo.
3. Sa pag endorse niya ka Isko, parang sinasabi niya na tama ang sinabi ni Isko tungkol sa kanya at may kalokohan nga sa pagbili ng face shields at gamot sa Covid. Kasi siniraan ka nga, inindorso mo pa.
4. Ang PRRD na kilala ko ay palaban. Kung susuko siya kay Isko na tahasang sumalungat sa kanya, wala siyang dahilan magalit nung sumalungat si Inday sa kanya. Ang PRRD na hinagaaan ko ay yung tao na hindi papayag na tinatapakan ng kahit sino man. Kung susuko ka lang sa artista, pwede ka pa lang gaguhin ng kahit sino. Nakakalungkot. Ayaw kong ipaglaban ang kusang tumitiklop.
5. Unreasonable na si PRRD kung si Isko ang imamanok niya. Mahirap lumunok ng pride pero ang gusto niya lunukin din natin ang dura ng mga umalipusta sa kanya. Kung ganun, bakit pa natin pinaglaban. Masama ang binitawang pananalita ni Isko. Kung sasabihin ni PRD na iboto ko din, ito ang sagot ko,
Sir, kung kaya mong sikmurain ang ginawa niya sa yo na pati mga tao mo andun na nakasuporta sa kanya at okey lang sa yo...ikaw na lang po. Sana inisip mo yung pride na lulunukin namin galing sa mga taong binababoy ka kaya inaway namin dahil naniwala kami sa yo.
6. Ganun na ba ang galit mo kay Inday na hindi mo kayang manahimik at si Isko ang pipiliin mo. Hindi na tama yan. Kung galit ka sa anak mo, huwag mo isahog ang taumbayan sa issues mo kay Inday kasi laban mo yan sa pamilya mo. Idadamay mo pa kami sa pagtatampo mo.
7. At anong ginawa ni BBM to deserve this. Hindi ka bimastos ni BBM. Hindi ka binalahura. Hindi mo din naman natulungan. Pinalibing mo lang ang ama dahil idol mo. Tapos pipiliin mo ang isang one term mayor na hinamon ka ng suntukan sa Moriones over BBM na tinawag mo pang adik at komunista.
PRRD, alam mo..salamat. Kasi sa ginawa mo, at sana strategy mo ito. Kasi yung dahilan ko nung 2016 bakit kita sinuportahan, nafeel ko na ngayon kay BBM. Kaya kung iendorse mo si Isko, sisigaw din ako ng...
Sara for VP tapos.....
BBM for President!!!!
.
If you hate a person,
then you’re defeated by them.