PANALO SI ATENG... INAKSYONAN KAGAD NG ARANETA
takot kasi silang mawalan ng mga costumers,
dahil alam nilang mas maraming LGBT ang may pera pang shopping.
Bongacious Divah wrote:DEAR SENATORS AND THE FILIPINO PEOPLE
Ang SOGIE Bill ay hindi humihingi ng gay marriage. Hindi din ito humihingi na gawing babae ang lalake at lalake ang babae. Hindi din po ito humihingi ng special treatment tulad ng sariling CR dahil ang pakiusap lamang ng iba ay Gender Neutral Toilets na lahat ay pwedeng gumamit, lalake man o babae at mga LGBT. Hindi naman kami humihingi ng tax exemption. Hindi din po kami humihingi ng extra rice o libreng pabahay. Hindi kami nagpapadagdag ng sweldo o di kaya discount sa ibabayad namin kay baby boy. Hindi din namin hinihingi na makigulo sa paniniwala ninyo. Hindi din namin kayo pinipilit sa mga paniniwala namin. Hindi nga namin hinihingi na itrato ninyo kaming ka-pantay sa estado ng mga nakararami.
Ang SOGIE ay pagkilala lang sa LGBTIQ+ bilang parte ng lipunan, ipaunawa sa mga hindi nakakaunawa sa aming pagkatao para maiwasan ang patuloy na dikriminasyon ng LGBTIQ+. Hindi din pag-abandona ng inyong paniniwala ang SOGIE dahil di naman binabago ng bill ang pagiging makasalanan namin sa mata ng Diyos o ang pagiging imoral ng gawain namin sa mata ng Maykapal. Kasi sa pagkakaalam ko, tao pa din naman kami sa mata ng Diyos.
Pag-unawa lang ang hiling ng SOGIE. Hindi namin kayo pinapasuko sa amin. Hindi namin kayo inaalisan ng kapangyarihan. Hindi namin kayo pinapalitan. Hindi namin ninanakaw ang mga bagay na para sa inyo at mga kaligayahan ninyo.
Wala kaming planong baguhin ang tugtog ng buhay na nakasanayan niyo na sayawin. Humihingi lang kami ng konting espasyo sa dance floor para sumayaw din sa parehong tugtog kahit magkaibang indayog kasi matagal na kasi kaming nakatago sa labas ng baylehan, dun sa madilim. Masaya kasi umindayog sa sayaw ng buhay kasama kayo kahit may kanya-kanya tayong giling. Na kahit di niyo man gusto ang sayaw ko, masaya pa din kasi ang importante ay kasama na kami sa selebrasyon.
Mas nakararami kayo. Kokonti lang kami. Kung pipilitin ninyong ibalik kami sa dilim na sulok at malayo sa liwanag dahil ang paniniwala ninyo ay wala kaming karapatan na masilayan ng mga ilaw sa samu't-saring kadahilanan, kayang-kaya ninyong ibalik kami sa kadiliman. Pasensya na kung nandidiri kayo sa amin. Hindi namin ginustong ipanganak na iba pero nirerespeto namin ang pandidiri ninyo kasi kahit ayaw ninyong aminin, magkadugtong ang mga sikmura natin.
Yan po ang SOGIE Bill. Isang pakiusap naming mga kapatid ninyo na hindi pinalad maging normal sa inyong paningin. Umaasa na bigyan ng konting puwang sa inyong mundo.
Pero hindi kami namimilit. At hindi kami titigil mahalin kayo. Kasi may puso din kaming nagmamahal at nasasaktan. Huwag po kayong mag-alala. Patuloy pa din ang sayaw namin sa musika ng buhay. Kahit madilim. Handang magtiis hanggang dadating ang araw na maging parte na kami ng pagdiriwang.
Hu Yu Hai Ding wrote:Senator Bong Go wants to know who are the thieves (magnanakaw) at PhilHealth.
Sabi ng mambabatas dapat managot sila. Mr. senator, lumingon ka lang,
baka alam ng katabi mo ang sagot sa tanong mo na yan, hmmmmmm...
Users browsing this forum: yellowyam1