Since kailangan ng maeksenang tagpo sa Miss Universe, eto ang dream list ko for Bianca's Evening Gowns. Kung Haute Couture ang labanan, pwes eto dapat! Kahit minsan lang magyaman yamanan si Aling Stella sana ipikit nya ang mata nya at bumili sya ng maga mamahaling gowns kagaya nito. Eh since mayaman naman ang angkan ng Ate Bianca ko, sana sila na lang ang bumuli. Wish ko lang nman... Granting na pumayat na ng todo si Bianca at carrry na nya ang bonggang bonggang rampa, ewan ko lang kung di pa sya pasok sa banga with these gowns...
Itodo na ang yaman at ipasuot ang striped Armani na ito. Ewan ko lang kung di pa luluwa ang mga mata ng lahat ng bakla sa Bahamas!
What about this yellow Dior? Yung tipong eksenang paglabas pag tinawag na "Philippines". Tiyak, tatumbling ang lahat ng mga bakla habang winawalis nya ang Bahamas stage with this spectacular gown!
Itodo pa ang eksena with this Chanel creation at kakabugin nya yung mga katabi nyang letter P like Peru and Puerto Rico. Remember, malilinya sya kay Myra Matos kaya imbes na mapunta ang attention kay PR dahil mukhang isa sya sa mga ladies to beat, kailangan ang itsura ni Bianca eh yung tipong sinasabi ng suot nya "tingnan nyo ako"....
Itodo pa ang pagpapakita ng yaman kahit may recession (Charing!) with another Chanel. Kahit alin sa mga ito isusuot nya, siguradong wawalisin nya yung mga katabi nyang letter P din. Pede rin nyaisuot ito sa mga evening functions. Divine?
At kung todo eksena rin lang ang labanan, ito na! Ipasuot ang eksenadorang YSL gown na ito na punung puno ng feathers. Problema lang baka batuhin sya ng mga animal rights activists. Charing
At kung gusto nyo nman ng soft number for Bianca's soft and feminine complexion and Asian aura, itong Pamela Roland gown na ito ang ipasuot, Soft pero may eksenadora factor pa rin courtesy of the polka dots. Divanining? Wag lang sya magbun kagaya ng aleng nasa itaas lalo na kung mahirap paliitin ang fez. Ang importante maliit na bewang, tamang tamang hubog ng balakang para lumabas ang curves at bonggang bonggang rampa, pasok sa banga ang ate Bianca ko.
Pero wish ko lang talaga. Malamang purita mirasol talaga ang BPCI at baka chipanggang gown na nman na walang dating ang ipapasuot. Juice ko fo! Wag nman sana. Ayokong mag Jennifer Barrientos o Mag Nina Ricci Alagao ang eksena ng Ate Bianca ko sa Evening Gown.
At para itodo ang eksena ng maglast ang impression, kailangan spectacular din ang National Costume ng ate natin. Ang Bahamas ay nasa Caribbean kung saan ang mga islands dun ay mahilig sa festivals, kailangan ipakita din natin ang festival culture through these suggested National Costumes for Bianca (wish kolang uli).
Kahit alin sa mga nasa itaas na costumes, pasok sa banga! Colorful, creative, festive and mood, at higit sa lahat proudly Filipino made!
At eto pa:
Bet ko ito. Dagdag eksena ang tribal guitar! Perfect!
Eksena din itong Cordilleran Costume na ito. Lalo na kung umaaapoy ang pinakataas na banga! Charing!
At ano nman ang masasabi nyo kung ito nga ang isusuot ni Bianca. Patok and eksenang Moriones festival Costume na itich sa Bahamas
Nakakaloka din ang costume na ito kung eksena ang pag-uusapan.
Again, wish ko lang dahil malamang hindi pwede kasi yung mga costumes na yan eh pagmamay-ari ng ibang organizations like Turismo Pilipina and MIss Earth Philippines. Wag na wag lang ulit maulit ang disastrous gown at National Costume ni Ate Jennifer Barrientos! Pasok na sa banga ang rampa at fezlak tapos pinasuot ng chakang gown at National Costume! Utang na loob. Yun lang....