END OF SUMMER
Para sa kabataan ang summer na siguro ang pinakamasayang buwan sa buong taon syempre bukod sa Pasko at bagong taon kung saan walang pasok. Taong 1995 buwan ng bakasyon ito na yata ang taon na hindi ko malilimutan maliban sa madalas mag brown-out hindi pa uso ang salitang FB,Twitter at Instagram. Masarap magpatugtug ng mga kanta gamit ang cassette tape na iniikot pa ng ballpen ang magkabilang butas pag ito’y nabubuhol lagi kong pa noong inaabangan at TGIS tuwing sabado at ang pakikihalubilo sa mga barkada at paglalaro sa gabi ay maituturing na kayamanan na parang hindi kayo nagkikita araw araw kahit siguro ilang playstation at Xbox pa ang itapat hehehe… Madalas akong utosan ng aking nanay sa tindahan kung saan ito rin ang lugar na gustong-gusto kong tambayan madalas dito kami nagkukumpulan mga magkakaibigan habang ngumangasab ng sitsirya at softdrink madalas nag uusap tungkol sa palabas sa TV bagong usong kanta dito din kami nag pa praktis ng aming mga vocal chords gamit ang lukot lukot na song book at gitara kaya madalas kaming sinisigawan ng may ari ng tindahan na “mga @#$% kayo magsi uwian nga kayo sa mga bahay nyo” pero ang gagawin namin lilipat lang kami sa lugar na walang tao gaya ng basketball court, multipurpose hall o di kaya sa simbahan. Ito rin ang taon kung saan ko nakilala ang taong naging especial sa aking buhay. May naghahakot ng gamit papasok sa bahay na malapit sa tinitirahan naming tinanong ko ang nanay
Ako “sino kaya yung bagong lipat na kapitabahay natin”
Nanay “ sira ninang cristy mo ang lilipat diyan, kung sa bagay hindi mo sya naalala kasi 5 years old ka pa lang ng umalis sila sa bahay na yan”
Ako “ ahh ganun ba!? Bakit saan po ba sila galing?”
Nanay “ ang alam ko kasi galing sila ng pampanga kasi dun nakatira ang asawa nya. Ay sya hayaan mo mamaya pupunta tayo sa bahay nila ng makamusta ko at ng masingil mo na rin yang ninang mo ang laki na rin ng utang nun sa’yo hahaha…”
Kinagabihan ng araw din na yun pumunta kami ni nanay magulo pa loob ng bahay nila
Nanay “magandang gabi”
Ninang “hoy mila ikaw pala pasok sino ang kasama mo? Ito na ba ang inaanak ko ang laki na ha! Ano nga pala ang pangalan mo anak?”
Ako “andi po ninang mano po”
Habang nasa loob ng bahay may mga makukulit na mga bata na naghahabolan siguro yun ang mga anak ni ninang
Ninang “ o ayan nga pala ang mga kinakapatid mong si Janette at Janice” yung panganay ko umalis pumunta ng school”
Habang nag uusap si nanay at ninang nalaman ko na naghiwalay na pala sila ng asawa nya kaya ngayon sya na lang mag isa ang tumataguyod sa pamilya nya. Kaya ayun ang topic sa bahay tungkol kay ninang
Nanay “ kawawa naman tong si kumareng cristy hiwalay na pala sila ng asawa nya”
Tatay “eh nung umpisa pa lang tingin ko talaga hindi magtatagal yung dalawang yan eh kasi may pagka ignorante ang lalaki kasi nga may kaya yun sa buhay. Ehhh saan ba nakilala ni kumare yun
Nanay “ sa eskwela nung nagaaral pa si cristy sa college kung sabagay tapos naman yang si mare kaya nya sigurong buhayin ang sarili at pamilya nya.