by JamesCedricLim » Mon May 02, 2016 11:16 am
My take on this one.
I am not Pro - Duterte nor Trillianes. Minsan kasi mapapa-isip ka tlga kung sino ang nagsasabi ng totoo. Pero tayo bilang mga matatalinong butante, sana ay wag tayong magpadalos dalos sa bugso ng ating damdamin. Hindi masama na meron kang gustong suportahan, dahil karapantan iyon ng bawat Pilipino. Pero sana lang ay maging malawak ang ating isipan at hindi SARADO. At huwag dalhin sa mababang usapan o bangayan. Na si ganito ay mas magaling at si ganyan ay magnanakaw, dahil sa huli AKO, IKAW, TAYO mga PILIPINO ang TALO sa HULI...
Sa mga kontrobersyang nangyayari ngayon sa Politika sa ating bansa. At isang linggo nalang ay mayroon ng mga bagong pinino ang ating Bayan. Sana ay maging mapag-matiyag, pag-aralan, at suriing mabuti ang ating mga ihahalal, lalo na sa Panguluhan. Hindi ito biro, mag dasal at humingi ng kalinawan sa Diyos natin.
Kaya sa mga supporters ng bawat kandidato. Sana ay magandang kuro kuro lang ang ating sabihin. Itaas natin sa maganda at matinong usapan ang bawat topic. At magbigay tayo ng mga Kahinaan at Suhestiyon sa bawat tatakbong Pangulo. Tulungan natin ang bawat isa na maipanalo ang PAngulo na talagang MALINIS, MAY MAGANDANG INTENSYON, HINDI MAGNANAKAW, AT HIGIT SA LAHAT MAY TAKOT SA DIYOS. Dahil sa bandang huli TAYO ang magiging PANALO kung tama ang Pangulo na ating ihahalal. Tayo rin ang makikinabang sa magandang pamumuno.
Lahat naman tayo ay nagnanais na mawala ang KRIMENAL, DROGA, RAPIS etc etc. Gusto nating mabuhay ng mapayapa sa ating bayan. AKO, IKAW TAYO, ay alam kong nag nanais ng ganitong buhay, malayo sa piligro at malayo sa ano mang pangamba.
Maging bukas sana ang ating ISIPAN sa mga Kontrobesyang ito. Pag - aralan nating mabuti, mag imbestiga at pakinggan ang bawat kampo. Wag sana tayong SARADO ang ISIPAN. Dahil kung talagang wala naman tinatago ang sino man, madaling magpakita ng mga bagay na alam mong magiging sagot sa lahat ng gulong ito.
GOD BLESS THE PHILIPPINES