HIV PART 2 (all you need to know)

Image
Forum rules
Welcome to Missosology! RULES: Freedom of speech allowed but 1. NO CROSSING LIMITS AS DIRECT RACIST REMARKS, NUDE OR VIOLENT PICS. 2. NO SPAMMING/FLOODING 3. NO ADVERTISING 4. NO BLACKMAILING/VIOLATING/DIVULGING PRIVACY/personal infos of members as posting their real life pic/real life name without their consent. 5. NO AVENGING/ATTACKING MEMBERS ON THEIR PHYSICAL LOOKS 6. NO REPUTATION BUTTON ABUSE. Any question, feel free to post in the Help Desk section till a Moderator/Admin responds. HAVE FUN!



  • 2

HIV PART 2 (all you need to know)

Postby imemem02 » Wed Dec 30, 2020 6:01 am

    

Frequently ask questions about HIV (Part 2)
Please po paki-educate nung iba na always practice safe-sex.


Question# 1 about HIV
May cure or vaccine na ba sa HIV?


WALA PA!

Pero maari kang gumamit ng Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP) para hindi ka mahawaan ng virus kapag nakikipagtalik. (https://loveyourself.ph/hiv-prevention/ or ito ang site kung san ka makakabili https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIp ... g/viewform b) ito ang link kung san makakabili inquire ka na lang! Mga taong negative lang sa HIV pwede gumamit nito, makakbili ka nito kapag nagpatest ka sa HIV!
Kapag gumagamit ng PrEP dapat pa ring gumamit ng condom and lubricant para mas safe.
Nabibili lang ito sa mga hygiene clinic o HIV testing center dahil dapat muna nilang masigurado na negative ka sa virus bago bentahan.
Nasa P1800 pesos ang PrEP good for one month kung sexually active ka
Pero maari mong gamitin ang method na 2+1+1 kung bihira ka makaipagtalik. (use google pls for other details)

Question# 2 about HIV
Ano ang antiretroviral therapy (ART)


Treatment ito sa mga nag-positive sa HIV para makontrol at huwag dumami ang virus.
Pinapalakas nito ang immune system, huwag lang ito re-rejeckin ng katawan ng pasyente.
Mabubuhay na parang normal pa rin ang taong umiinom nito.
Pero mas maganda pa rin practice safe-sex or umiwas sa sex.


Question# 3 about HIV
Gaano karami ang HIV cases sa Pilipinas?


Since March 2020: tinatayang nasa 72,885 ang nag-positive na.
Karamihan sa kanila ay kabataan na walang alam sa safe-sex.
Mula edad 15-24 nasa 22, 326
Mula edad 25-34 nasa 39,357
Mula edad 35-49 nasa 13,568
Mula edad 50 pataas nasa 2,074
Buntis nasa 425
Namatay na dahil sa virus 3925

Oh, ano? Isip-isip pag may time bago lumandi.
Always practice safe-sex or huwag na makipag sex sa multiple partners.
Tinatayang nasa 50 to 37% lang ng mga nagpapa HIV test ang nagamit ng condom.

Question# 4 about HIV
Maliban sa HIV ano pa ang mga sakit na p’wedeng makuha sa pakikipagtalik ng walang protection?


Gonorrhea
Syphilis
Warts
Hepatitis
Tuberculosis (TB)
Etc.

Oh, ano? Isip-isip pag may time bago lumandi.
Always practice safe-sex or huwag na makipag sex sa multiple partners.

Question# 5 about HIV
Nakakahawa ba ang HIV sa laway, pagyakap, paghalik sa taong may HIV?


Ang sagot hindi! Kaya huwag kang judgemental.
Kapag ma HIV ang friend mo, iparamdam mo na hindi ka nandidiri sa kanila dahil may epekto ito sa mental health nila.

Question# 6 about HIV
Kailan ako dapat magpa- HIV test?


Gaya ng sabi ko magkakaroon ka muna ng trangkaso after ng ilang linggo ng exposure sa virus.
Mababa ang chance na ma-detect ito ng mga testing equipments/tools/kits
Around 3 months mostly p’wedd ma detect ang virus, 6 months, mga ganang buwan.

Question# 7 about HIV
Makukuha po ang HIV sa oral sex (blow job), vaginal, and anal sex?


Sa oral sex (wala o kung meron man very rare) siguro may chance kapag may fresh na hiwa sa bibig mo, gaya ng sirang ngipin at hiwa sa sobrang pagto-tooth brush bago mag oral sex.
Sa vaginal at anal, oo naman kung walang condom.
Kaso minsan kapag may condom maari pa rin itong mabutas kung manipis yung nabili ninyo tapos walang lubricant.
Huwag na lang kayo makipag sex mas maganda. Be faithful to your partner.

Question# 8 about HIV
Paano po yung mga sex-worker, mas prone po ba sila sa HIV?


Oo, pati yung mga client na gusto ay walang condom. *Syunga di ba?
I suggest mag take sila ng Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP) at pag-aralan ito kasi 99% ok daw ito ayon sa study.
Gumamit ng condom palagi, palagi ko i-nuulit para huwag malimutan.
Nabubutas ang condom kapag walang lubricant. Iba-iba ang lubricant ha use google na lang.


Question# 9 about HIV
Bakit maraming may HIV ngayon?


Walang alam ang mga kabataan natin sa Sexually Transmitted Diseases (STDs)
Mahilig manood ng porn.
Gumagamit ng mga apps kung saan nakakakilala ng mga tao na p’wedeng makatalik
Hindi gumagamit ng protection gaya ng condom and lubricants, (PrEP) Pre-Exposure Prophylaxis
Tinatayang nasa 50 to 37% lang ng mga nagpapa HIV test ang nagamit ng condom.
Mahilig sa orgies (Jusko tigilan na ito pls.)
Nagpapalitan ng karayon/syringe sa paggamit ng droga.


Mga dapat gawin upang maiwasan ang pagdami ng HIV cases sa bansa.


1. Umiwas sa pagkakaroon ng madaming sex-partner.
2. Practice safe-sex: huwag makipagtalik kung walang condom at lubricant.
3. Umiwas sa mga groups na puro sex ang laman para huwag matukso.
4. Magpa-test after 3 months ng pakikipagtalik sa ganang period nade-detect ang virus na HIV.
5. Huwag puro sex ang isispin.
6. Huwag ulit puro sex ang isipin.
7. Iwasang mag-isip ng bagay tungkol sa sex.
8. Mag-join sa group namin para matuto ng iba pang bagay tungkol sap ag-iwas sa HIV.
9. I-share mo itong information tungkol sa HIV sa mga kaibigan at kakilala mo.
10. Huwag manghiya ng mga HIV patients dahil makakapekto ito sa mental health nila.
11. Huwag mag-stereotype ng gender dahil lahat ng gender makakauha nito. Dapat lang silang i-educate.

Avoid anal / vaginal sex lalo na kung walang protection! Wag syunga!


HIV part 1 viewtopic.php?f=1&t=1865339&p=8160235#p8160235
HIV part 3 viewtopic.php?f=1&t=1865341

Pls. share this to make other people aware.


Gay People: We do not recruit. We can only impress.

ImageImage
User avatar
imemem02
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
 
Posts: 293
Joined: Thu Dec 30, 2010 12:55 am
Country: Philippines (ph)
Reputation: 143
Real Life Name/Nick: imem
Date of Birth: 09 Jan 1988
Gender: Male
Profession: student
Western Zodiac Sign: Capricorn
Chinese Zodiac: Dragon
Hobbies/Interests: eating, playing tennis and many more
Message: If your strength is small, don't carry heavy burdens. If your words are worth

  • 0

Re: HIV PART 2 (all you need to know)

Postby Virginia Dalisay » Wed Dec 30, 2020 10:43 am

Korakkkk, nakakaloka ang mga batang beki's ngayon
yun bang mga millenials na jokla, kalurkeeee sila
nagpapauring, nagpapakangkang, tumutuwad sila
ng hindi gumagamit ng padulas at ng condom.
KALOKAHHHH DEBAHHHHH, bukod sa masakit yun
eh madali pa talaga silang dapuan ng sakit na HIV/AIDS.
@-) @-) @-) @-) @-) @-) @-) @-) =O/ =O/ =O/
ImageImage
User avatar
Virginia Dalisay
SUPER STARS are POPULAR or CHARISMATIC posters.
SUPER STARS are POPULAR or CHARISMATIC posters.
 
Posts: 1935
Joined: Fri May 02, 2014 1:02 pm
Country: Saint Lucia (lc)
Reputation: 2889
Date of Birth: 14 Feb 1991
Gender: Male
Sexual Orientation: Gay
Profession: Archeologist
Hobbies/Interests: Live the life you love and Love the life you live.
Message: Never be a prisoner of your past. It was just a lesson, not a life sentence.

  • 1

Re: HIV PART 2 (all you need to know)

Postby imemem02 » Sun Jan 17, 2021 1:21 am

Virginia Dalisay wrote:
Korakkkk, nakakaloka ang mga batang beki's ngayon
yun bang mga millenials na jokla, kalurkeeee sila
nagpapauring, nagpapakangkang, tumutuwad sila
ng hindi gumagamit ng padulas at ng condom.
KALOKAHHHH DEBAHHHHH, bukod sa masakit yun
eh madali pa talaga silang dapuan ng sakit na HIV/AIDS.
@-) @-) @-) @-) @-) @-) @-) @-) =O/ =O/ =O/


SANA MABASA NILA ITONG POST KO PARA MAEDUCATE SILA NO. :|
Gay People: We do not recruit. We can only impress.

ImageImage
User avatar
imemem02
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
 
Posts: 293
Joined: Thu Dec 30, 2010 12:55 am
Country: Philippines (ph)
Reputation: 143
Real Life Name/Nick: imem
Date of Birth: 09 Jan 1988
Gender: Male
Profession: student
Western Zodiac Sign: Capricorn
Chinese Zodiac: Dragon
Hobbies/Interests: eating, playing tennis and many more
Message: If your strength is small, don't carry heavy burdens. If your words are worth


Return to GENERAL

Who is online

Users browsing this forum: ajsy0203, esperasave, Mariana Erwin, mybadname, pinkloritos, StephenLab, twisted123

beauty queens

© Missosology's International Pageant Coverages ©
Mister Supranational Miss Eco International Mister Universal Ambassador
Mister Supranational Miss Eco International Mister Universal Ambassador
Miss Intercontinental Mister International Miss Cosmopolitan World
Miss Intercontinental Mister International Miss Cosmopolitan World
Miss Grand International Face of Beauty International Miss Supermodel Worldwide
Miss Grand International Face of Beauty International Miss Supermodel Worldwide
Mister Global Miss Supranational Miss Earth
Mister Global Miss Supranational Miss Earth
Miss International Miss World Miss Universe
Miss International Miss World Miss Universe
Man of the World World Beauty Queen Manhunt International
Man of the World World Beauty Queen Manhunt International


contact us to advertise with missosology